Mainit na panimula sa UST sa UAAP women's beach volley

Manila, Philippines -  Mainit na binuksan ng University of Santo Tomas ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng ko­rona sa pagsungkit ng dalawang sunod na panalo sa UAAP women’s beach volleyball tournament nitong Sabado sa UE Caloocan sand court.

Nangailangan ang reigning MVP na si Judy Ca­ballejo at Maru Banaticla ng Tigresses ng extra set ba­go matakasan ang hamon ng Adamson tandem na sina Pau So­riano at Sheila Pineda, 19-21, 21-16, 15-13, bago bu­malik kinahapunan at ginapi ang pares nina Loryvel Faytaren at Sam Dawson ng Far Eastern University, 21-13, 21-13.

Tinalo naman ng La Salle sa likod nina Wensh Tiu at Kim Fajardo ang Ateneo duo na sina File Cainglet at Bea Tan, 21-18, 21-13.

Bumawi ang Lady Eagles na tinalo sina Jessica Paron at Francislyn Cais ng University of the East, 21-17, 21-14.

Show comments