^

PSN Palaro

Smart Gilas II naghari sa Jones cup

- The Philippine Star

TAIPEI - Sa ikalawang su­nod na pagkakataon ay mu­ling nagbida si pointguard LA Tenorio para sa Na­tionals.

Humugot si Tenorio ng 11 sa kanyang 20 points sa fourth quarter para tulungan ang Smart Gilas-Pilipinas II sa 76-75 pagtakas kontra sa US team at sikwatin ang korona ng 34th William Jones Cup kagabi rito sa TPEC gymnasium.

Ito ang unang Jones Cup title ng Nationals makaraan ang 14 taon.

Ang PBA Centennial Team ni Tim Cone ang nag­hari sa Jones Cup noong 1998.

Sa kabuuan, ito ang ika­apat na Jones Cup crown ng bansa matapos magkampeon noong 1981 at 1985 mula sa Northern Con­solidated ni American coach Ron Jacobs.

Ibinangon ni Tenorio ang Nationals mula sa isang 14- point deficit pa­tungo sa kanilang 7-1 record sa nasabing single-round robin tournament.

Nagsalpak si Tenorio ng pitong sunod na puntos sa pagsisimula ng fourth quar­ter na nagpainit sa pagbabalik ng Gilas II ni mentor Chot Reyes.

Ang jumper ni Tenorio sa huling 19 segundo ang siyang sumelyo sa panalo ng Nationals.

Si Tenorio rin ang na­mayani sa 76-72 panalo ng Gilas II laban sa Chinese-Taipei noong Sabado ng gabi.

Huling nahawakan ng Ame­ricans ang lamang sa 75-74 mula sa basket ni 6-foot-8 Jermaine Dearman sa natitirang 36 se­gundo sa laro.

Kasunod nito ay ang ga­me-winning jumper ni Te­­norio mula sa pick ni na­turalized Marcus Douthit.

CENTENNIAL TEAM

CHOT REYES

JERMAINE DEARMAN

JONES CUP

MARCUS DOUTHIT

NORTHERN CON

RON JACOBS

SHY

SI TENORIO

TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with