^

PSN Palaro

Energen U-18 wagi sa Lebanon

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gumawa ng 19 puntos si Mario Bonleon para pangunahan ang Energen Pilipinas sa 80-69 panalo sa Lebanon sa 22nd FIBA Asia Under 18 Championship consolation round kahapon sa Buyang-Ukhaa Gym sa Ulan Bator, Mongolia.

May 12 puntos si Rey Nambatac habang 10 ang ibinigay ni J-Jay Alejandro bukod sa anim na assists at ang tropa ni coach Olsen Racela ay mangangaila­ngan pa ng isang panalo para maokupahan ang ikalimang puwesto na siya ring tinapos ng Pambansang koponan noong 2010 sa Yemen.

Matapos ang kawalan ng puntos sa unang 20 minuto ng laro, si Kyle Sua­rez ay gumawa ng siyam sa second half at pito rito ay ibinuhos sa ikatlong yugto na kung saan iniwan ng Nationals ang Lebanese team.

Ang kanyang tres na nasundan ng jumper at da­lawang free throws ang nagtulak sa Nationals sa 55-44 kalamangan.

Pinababa ng Lebanon ang agwat sa pito sa 4-0 bomba pero sina Namba­tac, Angelo Cani at Ira Babilonia ay umiskor sa sumunod na takbo para ibalik sa 11 ang bentahe, 61-50, sa pagtatapos ng yugto.

Kalaban ngayon ng Pilipinas ang Chinese Taipei, na tinalo nila sa second round, 88-83, para sa battle for fifth place.

Ang Taiwanese team ay papasok sa laro galing sa 77-38 dominasyon sa Saudi Arabia.

Nalagay sa consolation round ang Pilipinas nang lasapin ang 77-90 pagkatalo sa Korea habang ang Chinese Taipei ay nasilat ng Japan, 67-68.

vuukle comment

ANG TAIWANESE

ANGELO CANI

ASIA UNDER

BUYANG-UKHAA GYM

CHINESE TAIPEI

ENERGEN PILIPINAS

IRA BABILONIA

J-JAY ALEJANDRO

KYLE SUA

MARIO BONLEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with