^

PSN Palaro

Gilas lumapit sa kampeonato

- The Philippine Star

TAIPEI-- Lumapit sa kanilang inaasam na pagkopo sa 34th William Jones Cup ang Smart Gilas Pilipinas II matapos talunin ang Chinese-Taipei A, 76-72, kagabi.

Itinaas ng Nationals ang kanilang record sa 6-1 at may pagkakataong masikwat ang titulo kung mananaig laban sa US team ngayong alas-5 ng hapon.

Mula sa 16-16 pagkakatabla sa first period, kumawala ang Gilas II sa second quarter sa likod nina Jeff Chan, Ranidel De Ocampo at Gabe Norwood para iwanan ang Chinese-Taipei A, 37-29, sa halftime.

Gumana naman ang outside shooting ng mga Taiwa­nese sa third period nang maagaw ang unahan sa 44-42 at pinalobo sa 54-49 sa huling 1:51 nito.

Sa final canto, tatlong tres ang isinalpak ni LA Tenorio para ibigay sa Nationals ang 69-60 bentahe sa 5:44 nito.

Huling nakalapit ang Chinese-Taipei A sa 65-69 agwat sa 3:17 ng laro.

Samantala, hinangaan naman ng Americans ang Na­tionals.

“It’s gonna be very exciting,” sabi ni 6-foot-8 Jermaine Dearman ng Southern Illinois University sa kanilang pagharap sa Gilas II.

Natalo ang American squad sa Lebanese team, 67-70, para sa kanilang 5-2 baraha.

CHINESE-TAIPEI A

GABE NORWOOD

GUMANA

HULING

JEFF CHAN

JERMAINE DEARMAN

RANIDEL DE OCAMPO

SMART GILAS PILIPINAS

SOUTHERN ILLINOIS UNIVERSITY

WILLIAM JONES CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with