^

PSN Palaro

Chiefs, Generals maglalaglagan; Abueva talsik na sa karera ng MVP

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magpapagalingan pa ang Arellano at Emilio Aguinaldo College habang pata­tagin ang kapit sa unang puwesto ang nais ng San Beda sa pagpapatuloy ngayon ng 88th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ang Chiefs at Generals ang unang magtutuos sa ganap na alas-4 ng hapon at pareho silang naghahabol ng panalo para pagandahin pa ang laban para sa semifinals.

May 4-6 karta ang Chiefs habang 3-7 naman ang sa Generals pero may tsansa pa silang makalusot sa eliminasyon lalo na kung makakapaglubib-lubid sila ng panalo.

Ikasiyam na panalo ma­tapos ang 11 laro ang nakaumang naman sa Lions sa pagharap sa St. Benilde sa ikalawang laro dakong alas-6.

Samantala, nagdesis­yon ang NCAA Mana­gement Committee na pinangungunahan ni Fr. Vic Calvo na suspindihin si Calvin Abueva ng San Se­­bastian matapos ang disqualifying foul na naitala laban kay Jhygruz Laude ng Lyceum noong Huwe­bes ng gabi.

Dinagukan ni Abueva gamit ang ‘closed fist’ si Laude na kitang-kita sa telebisyon para mapatalsik agad sa laro.

Bunga nito, hindi makakalaro ang pambato ng Stags laban sa Arellano sa Miyerkules pero ang mas masakit ay ang pagkakatalsik niya sa karera para sa MVP sa taon.

ANG CHIEFS

ARELLANO

CALVIN ABUEVA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JHYGRUZ LAUDE

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SE

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with