Ginebra, Air21 trade natuloy
MANILA, Philippines - Tuluyan nang inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang isang three-team, seven-player trade na kinasasangkutan ng Barangay Ginebra, Petron Blaze at Air21.
Dinala ng Gin Kings sina 6-foot-5 forward Niño ‘KG’ Cañaleta at John Wilson, ang one-time NCAA Most Valuable Player mula sa Jose Rizal University, sa Express para makuha si 6’4 Elmer Espiritu at ang 2013 first round pick.
Ang five-time slam dunk champion na si Cañaleta ay unang naglaro sa Air21 noong 2008.
Ibinigay naman ng Boosters sa Express sina 2010 PBA No. 1 overall pick Nonoy Baclao at Rob Reyes kapalit nina 6’6 Magi Sison, Paolo Hubalde at ang 2014 second round pick.
Ito ang unang pagkilos ng Petron, gagabayan ni Olsen Racela bilang bagong head coach kapalit ni Ato Agustin, matapos hirangin si 6’10 June Mar Fajardo bilang No. 1 overall pick ng 2012 PBA Rookie Draft noong Linggo.
Tumapos ang Air21 na may 5-27 win-loss record noong nakaraang season, kasama dito ang 0-14 baraha sa Philippine Cup.
Ang 2013 first round pick naman ng Express ang inaasahang gagamitin ng Gin Kings para makuha si seven-foot Ateneo slotman Greg Slaughter.
- Latest
- Trending