^

PSN Palaro

Tamaraws winalis ang Tigers

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadepensahan ng Far Eastern U ang kinatatakutang three point shooting ng University of Santo Tomas sa first half upang makalayo agad tungo sa 87-60 panalo sa pagbubukas ng 75th UAAP men’s basketball second round kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi nakaisa sa 14 na buslo sa tres ang Tigers sa unang 20 minuto ng laro habang si Terrence Romeo ay nagpiyesta sa ginawang 16 sa kabuuang 19 puntos sa laro sa first half para tulungan ang Tamaraws na mahawakan ang 28 puntos kalamangan, 48-19.

Ito ang ika-11 panalo sa huling 12 pagkikita ng Tamaraws at Tigers at ang tagumpay ay nagresulta upang walisin ng tropa ni coach Bert Flores si coach Alfredo Jarencio matapos ang 73-72 dikitang panalo sa first round.

Nagtabla rin ang da­lawang koponan sa 6-2 karta pero ang Tamaraws uli ang umabante sa ikalawang puwesto habang ang Tigers na tinapos ang first round sa unang puwesto bitbit ang 6-game winning streak, ay nalaglag sa ikatlo.

Bago ito ay kumawala si Bobby Ray Parks Jr. ng 31 puntos at pinangunahan ang 8-0 bomba sa pagbubukas ng overtime para sa 80-77 tagumpay ng host National University sa Adamson sa unang laro.

Si Parks ang kauna-unahang manlalaro mula 2003 na nakagawa ng dalawang 30-plus games matapos maghatid ng 35 sa naisukong 86-87 double overtime na pagkatalo sa kamay ng La Salle.

Umangat ang Bulldogs sa solo ikaapat na puwesto sa 5-3 karta habang ang Falcons ay nabaon na sa huling puwesto sa 1-7 baraha.

FEU 87 – Romeo 19, Pogoy 13, Hargrove 13, A. Bringas 10, M. Bringas 8, Tolomia 7, Garcia 5, Sentcheu 4, Mendoza 4, Belo 2, Cruz 2, Inigo 0.

UST 60 – Mariano 15, Fortuna 12, Abdul 11, Bautista 8, Vigil 4, Ferrer 4, Teng 2, Pe 2, Daquiaog 2, Lo 0.

Quarterscores: 26-9, 47-19, 66-40, 87-60.

vuukle comment

ALFREDO JARENCIO

BERT FLORES

BOBBY RAY PARKS JR.

BRINGAS

FAR EASTERN U

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

PASAY CITY

SI PARKS

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with