MANILA, Philippines - Ang mga usapin sa softball, basketball at volleyball ang mga temang tatalakayin ngayong araw sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.
Inimbitahan sa talakayan na sinusuportahan ng Powerade, AKTV at FILA, ang Team Manila na nagkampeon ng World Series Big League girls softball kasama si coach Ana Santiago.
Inimbitahan din ng SCOOP ang mga opisyal at miyembro ng koponan na Global Port, ang pinakabagong team na lalahok sa darating na 38th PBA season sa pangunguna nina team manager BJ Manalo at coach Glen Capacio.
Ang iba pang panauhin sa session ay ang Cagayan Valley na kalahok sa V-League Open volleyball championship sa pangunguna ni provincial sports coordinator Criselda Antonio at assistant na si Sherwin Bariuan.
Sisimulan ang talakayan sa ganap na 11 ng umaga.