^

PSN Palaro

Amit pinasargo Si Centeno, pasok sa last 16

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ginamit ni Rubilen Amit ang kanyang malawak na karanasan para tapusin na ang kampanya ng 13-anyos kababayan na si Cheska Centeno, 8-5, sa pagbubukas ng Last 24 sa WPA 4th Annual Yalin Women’s World 10-ball Championship kahapon sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Humataw si Amit sa fifth at sixth racks para ha­­wakan ang 4-2 kalama­ngan at dagdagan ang pressure sa batang katunggali na minalas na nakuha niyang harapin sa unang laro sa knockout stage.

Bumangon pa si Cen­­teno at idinikit ang la­ban sa 6-5, pero hindi maganda ang kanyang mga preparas­yon para mangibabaw pa si Amit sa sumunod na dalawang racks tungo sa tagumpay.

“May future siya. Maga­ling at may pulso sa laro. Kailangan lamang na ma­dagdagan pa ang kanyang exposure sa international competition para mahasa,” ani Amit na naging kampeon sa World 10-ball ilang taon na ang nakalipas.

Sunod na sasagupain ni Amit, na makailang-ulit ding nanalo ng ginto sa Southeast Asian Games, si LH Shan ng Chinese Taipei.

Awtomatikong umaabante sa Last 16 si Shan matapos dominahin ang group elimination na kung saan nasama siya sa group 8 at tinapos ang laban bitbit ang 5-0 karta.

Ang iba pang manlalaro na hindi natalo ay sina Yu Ram Chan ng Korea (Group 1), Jasmin Ouschan ng Austria (Group 2), XT Pan ng China (Group 3), S.M. Chen ng China (Group 4) at X.F. Fu ng China (Group 5).

Si Amit ay lumaban para sa awtomatikong puwesto sa Group 7 nang nakatabla si YT Chan ng Chinese Taipei sa 4-1 karta.

Tinalo ni Chan si Amit, 6-4, sa huling laro at sinuwerte si Chan na makaabante agad dahil sa naitalang 29 racks won laban sa 28 ni Amit.

Ang 29 kabuuang racks na naipanalo si Chan na mas mataas ng isa kay Amit naging daan para makuha ang ma­halagang insentibo.

AMIT

ANNUAL YALIN WOMEN

CHESKA CENTENO

CHINESE TAIPEI

GROUP

JASMIN OUSCHAN

RUBILEN AMIT

SHY

SI AMIT

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with