Gilas 'di umubra sa Lebanon
TAIPEI--Matapos ang apat na sunod na ratsada ay nakatikim ng kanilang unang kabiguan ang Nationals.
Tinalo ng Lebanon ang Smart Gilas II, 91-72, sa elimination round ng 34th William Jones Cup basketball tournament kahapon dito sa TPEC gymnasium.
Mula sa kanilang magkasunod na panalo kontra sa South Korea at Japan kung saan sila nakabangon buhat sa mga double digit deficits, hindi na nakabawi pa ang Nationals mula sa arangkada ng mga Lebanese.
Hindi naglaro para sa Lebanon sina star players Fadi al-Khatib, Ali Mahmoud, Charles Tabet at Elie Rustom.
Sumandal ang Lebanon sa mga three-pointers ni Elie Stephan at mga puntos nina Jean Abdelnour at American import Jarrid Famous para iwanan ang Smart Gilas II sa 43-32 sa first half.
Pinalobo ng Lebanese ang kanilang kalamangan sa 78-50 na tuluyan nang nagpaguho sa Nationals.
Umiskor si Stephan ng 28 points, kasama dito ang pitong three-pointers, habang ang naturalized na si 6-foot-9 Famous, naging import sa PBA, ay humakot ng 26 points at 11 rebounds.
Nakatakdang labanan ng Smart Gilas II ang defending champion Iran ngayong alas-3 ng hapon.
May 2-4 baraha ngayon ang Lebanon.
Tumapos si naturalized Marcus Douthit na may 11 points para sa Nationals.
“Our shooters can’t make shots, they didn’t have their legs,” sabi ni coach Chot Reyes. “You can’t allow yourself to fall behind big and try and catch up.”
Lebanon 91 -- Stephan 28, Famous 26, Abdelnour 14, El Khatib 12, Kanaan 4, Akl 3, Martinez 2, Iskandar 2, Souaid 0.
Smart Gilas-Pilipinas 72 -- Norwood 15, Douthit 11, Mercado 11, Rosser 6, Tenorio 6, David 5, Thoss 4, Villanueva 3, Chan 3, De Ocampo 2, Fonacier 2.
Quarterscores: 22-15; 43-32; 74-46; 91-72.
- Latest
- Trending