^

PSN Palaro

Energen tinalo ang Taiwan, pasok na sa quarterfinals

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Energen Pilipinas U-18 team ang dating walang talong Chinese-Taipei, 88-83, upang selyuhan ang isang puwesto sa quarterfinals sa 22nd FIBA Asia U-18 Championship kahapon sa Buyant-Ukhaa Arena sa Ulan Bator, Mongolia.

May 25 puntos si Jerie Pingoy na kanyang ni­la­kipan ng isang 3-point play upang ibigay sa Natio­nals ang 86-82 kalama­ngan may 46 segundo sa orasan.

Mahigpitan ang tagisan at ang Chinese-Taipei, na naunang napag-iwanan ng siyam na puntos sa halftime, 34-43, ay naka­angat ng tatlong puntos, na tatlong beses na nangyari sa huling yugto.

Ang free throws ni Lin Kuan-chun sa foul ni Rey Nambatac ang nagtulak sa Taiwanese team sa 80-77 bentahe pero bumawi si Nambatac nang umiskor siya sa sumunod na play bago sumunod ang jumper ni Pingoy na nakahirit din ng foul kay Huang Hung-han.

“Ito ang pinakamalaking game namin sa second round at masaya kaming nanalo rito,” wika ni coach Olsen Racela.

May 22 puntos pa si Rodolfo Alejandro habang 10 ang ibinigay ni Nambatac para sa Nationals na kinuha ang ikalawang puwesto sa group F kahit katabla nga­yon ang Taiwanese team na kanilang pinatikim ng unang kabiguan.

“Our players were too nervous and gave the game away,” wika naman ni Taipei coach Yang I-feng na humugot ng 25 puntos kay Lin Kuan-chun.

Ang Iran ay nangu­nguna pa rin sa 3-0 karta matapos ang 97-26 pagdurog sa Indonesia sa isa pang laro.

Kalaban ng Pilipinas ang Bahrain (0-3) ngayong alas-2 ng hapon at isa pang panalo ang magseselyo sa number two spot papasok sa knockout quarterfinals at makakatapat nila rito ang papangatlo sa Group E.

ANG IRAN

ASIA U

BUYANT-UKHAA ARENA

CHINESE-TAIPEI

ENERGEN PILIPINAS U

GROUP E

HUANG HUNG

JERIE PINGOY

LIN KUAN

NAMBATAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with