WBO International title inagaw ni Pagara
MANILA, Philippines - Niresbakan ni Filipino boxer Jason Pagara ang tumalo sa kanyang si Mexican Rosbel Montoya via a sixth round technical knockout sa Pinoy Pride XV: The Rematch noong Sabado sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Sa paggiba kay Montoya, inangkin ni Pagara ang World Boxing Organization (WBO) international light welterweight title.
Natalo si Pagara kay Montoya noong Setyembre mula sa counter-punching strategy ng Mexican.
Sa kanilang rematch, pinabagsak ni Pagara si Montoya sa first round gamit ang kanyang mga body shots at hindi na nakabangon pa nang muling tumumba sa sixth round.
Dala ngayon ni Pagara ang 29-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 knockouts, habang may 36-5-1 (30 KOs) naman si Montoya.
Sa undercard, umiskor si Genesis ‘Azukal’ Servania ng isang unanimous decision victory kontra kay Jorge ‘El Feroz’ Pazos.
Pinabagsak ni Servania (19-0-0, 6 KOs) si Pazos (21-4-0) sa first round, eighth round at sa 11th round para kunin ang bakanteng WBO Asia-Pacific super bantamweight title.
Pinatulog naman ni Jimrex ‘The Executioner’ Jaca si Angel ‘Arcangel’ Martinez sa eighth round matapos umiskor ng KOs sa third at seventh round.
Samanatala, sa harap ng kanyang ama, pinabagsak ni Filipino light featherweight prospect Dave Peñalosa si Yodpichai Sithsaithong sa fourth round noong Sabado ng gabi sa Mandaluyong Gym sa Mandaluyong City.
Isang matulis na right hook ang pinakawalan ng 21-anyos na si Peñalosa sa panga ni Sithsaithong sa 2:05 ng fourth round para sa kanyang panalo.
May malinis na 5-0-0 win-loss-draw ring record ngayon si Peñalosa kasama ang 3 knockouts kumpara sa 7-6-0 (3 KOs) ng 22-anyos na si Sithsaithong.
- Latest
- Trending