^

PSN Palaro

National sluggers tutulungan ni Belmonte

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tutulong si House Spea­ker Feliciano “Sonny” Belmonte sa paghahanda ng Philippine baseball team na lalaban sa East Asia Baseball Cup sa Bangkok, Thailand sa susunod na buwan.

Lumiham ang Philippine Amateur Baseball As­sociation (PABA) sa tanggapan ni Speaker Belmonte para umamot ng kaunting tulong at nagpaunlak naman ang dating Alkalde ng Quezon City sa pagbibigay ng P50,000.

Ang perang ito ay gagamitin ng PABA upang ipambili ng mga uniporme ng national sluggers na nagha­handa rin para sa paglahok sa World Baseball Classic qualifiers sa Chinese Taipei mula Nobyembre 15 hanggang 18.

“Nagpapasalamat ka­mi sa pagtulong na ito ni Speaker Belmonte na kahit noong Mayor pa lamang ng Quezon City ay kilala na sumusuporta sa mga sports program. Sana ay marami pang politiko ang tumulong sa sport para magpatuloy ang pag-unlad ng palakasan sa bansa,” wika ni PABA head Hector Navasero.

Nakatulong din sa pag-amot ng tulong ng PABA sa butihing Speaker ang pagiging magkaibigan nina Navasero at Belmonte na parehong kasapi ng Philippine Jaycees.

Ang torneo sa Bangkok ay itinakda mula Setyembre 17 hanggang 24 at ina­asahang lalahukan din ng Malaysia, Myanmar, Hong Kong at Vietnam.

Magsisilbi itong quali­fying tournament para sa Asian Baseball Championship na lalaruin sa Chinese Taipei mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2.

Ang baseball ay hindi gaanong nakakakuha ng suporta sa PSC.

vuukle comment

ASIAN BASEBALL CHAMPIONSHIP

BELMONTE

CHINESE TAIPEI

EAST ASIA BASEBALL CUP

HECTOR NAVASERO

HONG KONG

HOUSE SPEA

NOBYEMBRE

QUEZON CITY

SPEAKER BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with