Brook Lopez mangunguna sa pamamahagi ng relief goods
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Brooklyn Nets (dating New Jersey Nets) center Brook Lopez ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha dala ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat ngayong umaga.
Ang mga naapektuhan na residente ng Taguig City ang siyang tutulungan at ito ay bahagi ng NBA Cares.
Makakasama ni Lopez si Carlo Singson, Country Manager sa Pilipinas ng NBA Asia at ito ay magsisimula sa ganap na alas-10 ng umaga.
“Following unabated monsoon rains that engulfed critical areas in Manila and the rest of Luzon provinces in Northern Philippines, he NBA together with World Vision will conduct relief operations in the hardest-hit areas of Taguig City on August 20,” wika ng kalatas ng NBA Cares.
Bukod sa paghahatid ng mga relief goods, magbibigay din ng kanilang donasyon ang NBA na ipantutulong sa iba pang biktima.
Makikisalamuha rin ang 24-anyos na 7-footer na si Lopez sa mga nabiktima lalo na ang mga bata upang kahit paano ay mapasaya sila at mabigyan uli ng pag-asa sa buhay.
- Latest
- Trending