^

PSN Palaro

Pinoy athletes nag-uwi ng karangalan sa Pinas

- RMPangilinan - The Philippine Star
This content was originally published by The Philippine Star following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Habang nabigo ang isang 11-athlete delegation na makasikwat ng medalya sa 30th Olympic Games sa London, gumawa naman ng ingay ang ibang Filipino athletes.

Isa na rito ang Team Manila girl softball team na inangkin ang gold medal sa Big League World Series kahit na walang supor­ta mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Dumating ang mga Ma­nilenyas, nakilala sa Little League International scene bilang ‘Golden Girls,’ sa tournament site sa Kalamazoo, Michigan na kulang ng tatlong players dahil sa kawalan ng pondo.

Natalo sa kanilang unang dalawang laro, buma­ngon ang Team Manila para manalo ng pitong su­nod, kasama na ang 14-1 paglampaso sa Westminster of Los Angeles.

Ang koponan naman na itinaguyod ng Philippine Swimming League at ng Diliman Preparatory School ay humakot ng kabuuang 70 medalya, ang 22 dito ay gold medals, sa Singapore International Swimming Championships.

Nag-uwi naman ang isang karatedo team ng isang silver at dalawang bronze medals sa Asia-Pacific Karatedo Champ­ionships sa Singapore.

Sa Bangkok, kumuha ang PH memory games squad ng 10 gold sa Fifth Thailand International Open Memory Championships at Mind Festival.

ASIA-PACIFIC KARATEDO CHAMP

BIG LEAGUE WORLD SERIES

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

FIFTH THAILAND INTERNATIONAL OPEN MEMORY CHAMPIONSHIPS

GOLDEN GIRLS

LITTLE LEAGUE INTERNATIONAL

MIND FESTIVAL

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TEAM MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with