MANILA, Philippines - Hindi na pinakawalan ng Petron Blaze ang isang 6-foot-10 na kagaya ni Junmar Fajardo.
Hinirang ng Boosters, gigiyahan ng bagong head coach na si Olsen Racela kapalit ni Ato Agustin, si Fajardo bilang No. 1 overall pick ng 2012 PBA Rokie Draft kahapon sa Robinson’s Midtown Mall sa Maynila.
Si Fajardo ang naging unang No. 1 pick na Cebuano matapos ni Apet Jao ng Tivoli noong 1990.
Tatanggap siya ng P150,000, ang maximum rookie salary, sa una niyang taon kasunod ang P225,000 sa ikalawang taon at P337,500 sa pangatlong taon para sa kanyang three-year, P8.5 million contract.
Naglaro si Fajardo para sa San Miguel Beermen ni coach Bobby Parks sa nakaraang season ng Asian Basketball League.
Ang pambato ng University Cebu na si Fajardo ay isang three-time Most Valuable Player awardee para sa University of Cebu sa CESAFI, ang collegiate league sa Cebu kung saan niya nakaharap si seven-footer Greg Slaughter ng University of the Visayas na lumipat sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.
Si Fajardo ay sinundan nina 6’4 Calvin Abueva (No. 2-Alaska), 6’4 Fil-Am Alex Mallari (No. 3-Petron), 6’5 Fil-Am Cliff Hodge (No. 4-Meralco), 6’6 Aldrech Ramos (No. 5-Barako Bull), 6’6 Chris Ellis (No. 6-Barangay Ginebra), 6’0 Chris Tiu (No. 7-Rain or Shine), 6’4 Calries Jensen (No. 8-Ginebra), 6’5 Vic Manuel (No. 9-B-Meg) at 6’6 Fil-Am Jason Deutchman (No. 10-Global Port).
Si Manuel ay dinala ng Llamados kasama si Val Acuña sa Batang Pier kapalit ni Sean Anthony.
Ibinigay naman ng B-Meg sina Anthony at Marcelo sa Energy para kay Ramos.
Sa second round ay nahugot sina 6’8 Yousef Taha (No. 11-Air21), 6’5 Dave Marcela (No. 12-B-Meg), 6’5 Jewel Ponferada (No. 13-B-Meg), 6’0 Fil-Am AJ Mandani (No. 14-Global Port), 5’9 Lester Alvarez (No. 15-Barako Bull), 5’5 Emman Monfort (No. 16-Barako Bull), 6’6 Fil-Am Kelly Nabong (No. 17-Rain or Shine), 6’3 Woody Co (No. 18-Barako Bull), 5’9 Raffy Reyes (No. 19-Alaska) at 6’3 Jaypee Belencion (No. 20-Talk ‘N Text).
Nasambot naman sa third round sina 6’0 Simon Atkins (No. 21-Air21), 6’3 Fil-Am Karl Dehesa (No. 22-Alaska), 5’11 Fil-Am Ryan Boado (No. 23-Barako Bull ), 6’4 Janus Lozada (No. 24-Meralco), 6’6 Mark Sarangay (No. 25-Petron), 6’4 Macky Acosta (No. 26-Global Port), 6’1 Bacon Austria (No. 27-Rain or Shine), 5’8 Jerrick Canada (No. 28-Ginebra), 6’9 Fil-Am Gian Chiu (No. 29-B-Meg) at 6’5 Jason Escueta (No. 30-Talk ‘N Text).