^

PSN Palaro

Energen Pilipinas binugbog ang Saudi Arabia

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi man lamang pinawisan ang Ener­gen Pilipinas Under 18 basketball team sa Saudi Arabia nang angkinin ang 95-52 dominasyon sa pagbubukas kahapon ng 22nd FIBA-Asia U18 Championship sa Buyant-Ukhaa Arena sa Ulan Bator, Mongolia.

Ang Middle East team ay nakapagbigay lamang ng magandang laban sa unang apat na minuto nang hawakan ang 10-6 kalamangan bago gumana ang laro ng tropa ni coach Olsen Racela at pinakawalan ang 17-2 bomba para hawakan ang 23-12 kalamangan.

Mula rito ay hindi na nagpaawat pa ang pambansang koponan upang makasalo ang Iran sa liderato sa Group D.

Humirit ang Iranian team, pumang-apat sa 2010 edisyon sa Sana’a, Yemen, ng 105-46 panalo sa Kazakhstan.

Si Janus Kyle Christian Suarez ay mayroong 15 puntos mula sa 5-of-8 shooting habang sina Rodolfo Alejandro, Mario Bonleon, Jerie Pingoy at Rey Nambatac ay tumapos taglay ang 14, 13, 11 at 10 puntos para sa Pilipinas na may kahanga-hangang 51% shooting sa 30-of-59 marka.

Kontrolado ng nationals ang lahat ng aspeto ng labanan dahil angat sila sa rebounding, (42-32), assists, 14-4, at steals, 13-8. Mayroon din silang 28-12 kala­mangan sa inside points.

Si Waheed Faqihi ay may 19 puntos para sa natalong koponan.

vuukle comment

ANG MIDDLE EAST

BUYANT-UKHAA ARENA

GROUP D

JERIE PINGOY

MARIO BONLEON

OLSEN RACELA

PILIPINAS UNDER

REY NAMBATAC

RODOLFO ALEJANDRO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with