^

PSN Palaro

Bakbakang Energen, Saudi sa FIBA-Asia ngayon na

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Haharapin ng Energen Pilipinas ang Saudi Arabia ngayong alas-6 ng gabi para sa pagsisimula ng 22nd FIBA-Asia Under-18 sa Buyant-Ukhaa Arena sa Ulan Bator, Mongolia.

Alam ni Energen coach Olsen Racela na ang panalo nila sa Saudi Arabia ang magpapasok sa kanila sa second round dahil isang koponan lamang sa group stage ang masisibak.

“Only the top three advances so getting a win against Saudi Arabia will help us advance to the second round,” wika ni Racela isang araw bago sila bumiyahe patungong Mongolia. “Of course, this first game will also help set the tone for our campaign.”

Winalis ng Phl team ang Southeast Asian Basketball Association U-18 Championship sa Singapore noong Hulyo.

Asam ng Energen na mapaganda ang kanilang fifth place finish sa nasa­bing event na idinaos sa Sana’A, Yemen noong 2010.

Matapos ang Saudi Arabia ay makakaharap ng Nationals bukas ang Kazakhstan, ang second placer sa Tehran, Iran noong 2008, kasunod ang title contender na Iran, ang 2008 titlist at fourth placer noong 2010, sa Linggo.

Sina J-Jay Alejandro, Hubert Cani, Gideon Babilonia, Kristoffer Porter, Marc Olayon, Jerie Pinggoy, Jay Javelosa, Prince Rivero, Mario Bonleon, Kent Lao, Kyle Suarez at Rey Nambatac ang ibabandera ng Energen.

Hangad ng Energen na makapasok sa top three para makalaro sa 2013 FIBA World Under-19 Championship sa Prague, Czech Republic.

Ang iba pang kasali sa torneo ay ang nine-time gold medal winner na China, host Mongolia, Korea, Japan, Chinese- Taipei, Lebanon at mga qualifiers na Bahrain, Syria, Singapore, Hong Kong, India at Indonesia, iginigiya ni Filipino coach Nat Canson.

ASIA UNDER

BUYANT-UKHAA ARENA

CZECH REPUBLIC

ENERGEN

ENERGEN PILIPINAS

GIDEON BABILONIA

HONG KONG

HUBERT CANI

JAY JAVELOSA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with