^

PSN Palaro

PASA prexy ipinapaaresto

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nalalagay sa peligro ang pagiging swimming pre­sident ni Mark Joseph.

Ito ay matapos ipag-utos ng Quezon City Regional Trial Court ang pagdakip kay Joseph bunga ng kasong child abuse na isinampa noong nakaraang taon ng swimmer na si Jerome Paul Carpio.

“Upon perusal and exa­mination of the Information in the above-captioned case and the accompan­ying documents attached thereto, the Court finds the existence of probable cause for the issuance of a warrant of arrest against the accused,” wika ng desisyon ni QCRTC branch 107 Presiding Judge Jose Bautista Jr. na ipinalabas noong Agosto 10.

May piyansa namang itinakda ang hukuman para sa pansamantalang pag­laya ni Joseph na nagkakahalaga ng P80,000.00.

Dumulog sa korte si Carpio, anak ng The Philipine Star assistant sports editor na si Gerry Carpio, sa hukuman noong Hulyo, 2011, dahil sa paniniwalang nilabag ni Joseph ang Section 10 ng Republic Act 7610 na kilala rin bilang Child Abuse Law.

Ang reklamo ay bunsod ng pagkakapahiya ni Carpio nang tumungo siya sa Kota, Kinabalu sa Malaysia noong 2010 para lumahok sa 43rd Sabah Age Group Swimming Championships.

Kasama si Carpio sa grupo ng ASAP at dapat ay lalangoy sa 50-meter at 200-meter relay sa freestyle sa boy’s 15-17 age group.

Ngunit hindi nakasali ang nasabing swimmer dahil sa komunikasyon na ipinadala ni Joseph na nagsasaad na mga peke ang pasaporte at dokumento ni Carpio at ng ibang kasamang swimmers.

Dahil naramdaman na nasira ang dangal dahil sa aksyong ito, nagdesisyon si Carpio na dumulog sa korte at nagbunga ito dahil sa ibinabang arrest warrant.  

CARPIO

CHILD ABUSE LAW

GERRY CARPIO

JEROME PAUL CARPIO

MARK JOSEPH

PHILIPINE STAR

PRESIDING JUDGE JOSE BAUTISTA JR.

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REPUBLIC ACT

SABAH AGE GROUP SWIMMING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with