MANILA, Philippines - Maghahanap ng ibang makakalaban ang Philippine Azkals dahil hindi na matutuloy ang friendly game sa US Virgin Islands.
Ang laro ay dapat na gagawin sa Sabado pero nagkaroon ng problema ang katunggaling koponan sa pagbiyahe upang kanselahin na ito.
Dahil sa problemang ito, kahit ang exhibition game ng koponan kontra sa Chicago Inferno noong Martes ay hindi na rin natuloy.
“This is a training camp so we continue training and will have scrimmages with other teams,” wika ni Azkals team manager sa isang statement.
Sumasailalim ang Azkals sa 15-day training camp at nasalang na sa isang exhibition game laban sa Inferno noong Sabado sa Wheaton, Illinois at natalo ang bisitang koponan, 1-3.
Hanap ng Azkals na mahubog ang kanilang kaalaman bilang paghahanda sa paglahok uli sa Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.
Ang Pambansang koponan na nagbigay sigla sa football sa bansa ay babalik sa Pilipinas sa Agosto 20 at maghahanda para sa mga Friendly Games laban sa Cambodia, Singapore at Laos sa Setyembre.