^

PSN Palaro

Tinalo ang Spain para sa gold, Team USA hari pa rin ng basketball sa Olympics

- The Philippine Star

LONDON--Isi­nubi ng United States Dream Team na binubuo ng mga NBA stars ang kanilang ikalawang sunod na Olympic men’s basketball gold medal at pang-14th overall para sa America matapos talunin ang Spain, 107-100 sa finals nitong Linggo.

Hindi man lang nakatikim ng talo ang Americans sa buong torneo na gaya ng kanilang ginawa noong 2008 Beijing Games kung saan ginapi rin nila ang Spain sa finals.

Ibinulsa ng US multi-millionaire lineup ng NBA elite ang kanilang ikalimang korona sa nakalipas na anim na Olympics.

“I’m on cloud nine. It’s such a huge honour,” wika ni US star Kobe Bryant.

Napaganda rin ng Americans ang kanilang record sa 62-1 mula nang baguhin ang national team program matapos mag-bronze noong 2004.

Humataw si Kevin Durant ng 30 puntos, tampok rito ang siyam na rebounds, habang nagsumite si LeBron James ng 19 markers at nagdagdag naman si Kobe Bryant ng 17 puntos para sa Americans.

Nagbida naman si Paul Gasol sa Spain sa kanyang kinamadang 21 puntos.

Lamang ang Americans sa 83-82 papasok ng final canto, bago binuksan ang 12-3 salvo sa nasabing quarter na hindi na binitiwan pa.

Inangkin naman ng Russia ang bronze medal matapos iligwak ang Argentina, 81-77.

BEIJING GAMES

DREAM TEAM

HUMATAW

IBINULSA

INANGKIN

ISI

KEVIN DURANT

KOBE BRYANT

LAMANG

PAUL GASOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with