^

PSN Palaro

St. Clare, CEU 'di bumibitaw

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nangibabaw ang host school St. Clare College sa AMA Computer Univer­sity at Centro Escolar University laban sa City University of Pasay upang manatiling magkasalo sa liderato sa 12th NAASCU Basketball Championship noong Linggo sa Lumera Towers sa Manila.

Gumawa ng 36 puntos si Eugene Torres habang si Jeff Viernes ay may 26 para sa Saints na nag-init sa second period upang tu­luyang hawakan ang ka­lamangan tungo sa 98-81 panalo.

Malakas ang pani­mula ng Titans nang layuan ng walo sa first period ang ka­tunggali, 26-18, pero nanlamig ang koponan sa ikalawang canto at nakapagtala lamang ng 12 puntos.

Sa pangunguna nina Torres at Viernes ay gumawa ang Saints ng 23 puntos para angkinin ang 41-38 bentahe sa halftime.

Hindi na nagbago pa ang takbo ng opensa ng St. Clare para iwanan na ng tuluyan ang katunggali sa second half at hagipin ang ikatlong sunod na panalo.

Tinapatan ng CEU ang 3-0 karta ng St. Clare sa pamamagitan ng 103-66 demolisyon sa CUP.

May 13 puntos si Jor­an Martinez para sa balanseng pag-atake ng Scor­pions na agad na iniwan ang Eagles, 31-16, sa unang yugto. ng labanan.

Samantala, umukit ng 98-80 ta­gumpay ang Our Lady of Fatima University laban sa Trace College sa isa pang seniors game.

BASKETBALL CHAMPIONSHIP

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COMPUTER UNIVER

EUGENE TORRES

JEFF VIERNES

LUMERA TOWERS

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

SHY

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with