Men's Olympic gold pag-aagawan ngayon ng Team USA at Spain
LONDON--Sinabi ng mga Americans na mas magaling sila kumpara noong 2008.
At ito ay pinatutunayan ng statistics.
Sa rematch ng gold medal game sa 2008 Beijing Olympics, muling sasagupain ng U.S. ang Spain sa finals.
“Spain is a better team than ‘08,” sabi ni LeBron James. “We understand that they’re a better team, so it’s going to be a good game. So we look forward to it.”
Sa finals ng 2008 Beijing Olympics, tinalo ng US ang Spain, 118-107, kung saan nakadikit sa apat na puntos ang mga Spaniards sa huling dalawa at kalahating minuto ng fourth quarter.
Ang koponan ngayon ng U.S. ay nagtala ng average na 116.7 points - mas mababa lamang sa 117.3 point per game ng US Dream Team’.
Nagposte rin sila ng Olympic record na 156 points sa 83-point victory laban sa Nigeria.
Sina James, Kevin Durant, Kobe Bryant at Carmelo Anthony ang muling babandera sa koponan.
“We obviously have a lot of talent. Our team here is pretty ridiculous,” wika ni Bryant.
Inasahan na ang rematch ng world’s No. 1 at No. 2 teams, ngunit dalawang beses nabigo ang Spain sa London.
- Latest
- Trending