^

PSN Palaro

Solong liderato nakataya sa laban ng Bedans, Baste

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mga koponang nagkita sa Finals sa huling da­lawang taon na San Beda at San Sebastian ang magsusukatan sa unang pagkakataon sa 88th NCAA men’s basketball na magdaraos ng laro nga­yong gabi sa The Arena sa San Juan City.

Dakong alas-6 ng gabi itinakda ang inaasahang mahigpitang tagisan ng Lions at Stags at ang ma­nanalo ang siyang hahawak sa liderato sa 10 kopo­nang liga.

Ang Jose Rizal University at host Letran ay magtutuos sa unang seniors game sa ganap na alas-4 ng hapon na isa ring dikitang laro lalo pa’t parehong may winning records ang dalawang magtatagisan.

Ang Lions ay nagsosolo sa unahan sa 6-1 karta pero kalahating laro lamang na napag-iiwanan ang Stags at Heavy Bom­bers sa 6-2 baraha. Ang Knights ay may 4-3 karta para malagay sa ikalimang puwesto kasunod ng Perpetual Help na tinapos ang first round elimination bitbit ang 6-3 baraha.

Huling tinalo ng tropa ni coach Ronnie Magsanoc ang Heavy Bombers, 62-37, bago napahinga ng walong araw.

Sa kabilang banda, ang bataan ni coach Topex Robinson ay lumasap ng di inaasahang 54-61 pagkatalo sa kamay ng Mapua, noong nakaraang Lunes.

Naniniwala si Robinson na ang pagkatalo ang gigi­sing uli sa kanyang ka­mador para magtrabaho pa dahil hindi biro ang pu­wersa ng Lions na bukod sa isang champion team ay pinalakas pa sa pagpasok ni Olaide Adeogun.

Ang 6’7 import na si Adeogun ay naghahatid ng 9.3 puntos, 10 rebounds, 2.7 blocks, at 1.7 assists.

Ibabandera ang Stags ni Calvin Abueva na siyang nangunguna sa scoring, rebounding at assists sa ibinibIgay na 20.4 puntos, 17 rebounds at 6.5 assists.

ANG JOSE RIZAL UNIVERSITY

ANG KNIGHTS

ANG LIONS

CALVIN ABUEVA

HEAVY BOM

HEAVY BOMBERS

OLAIDE ADEOGUN

PERPETUAL HELP

RONNIE MAGSANOC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with