US women's team kampeon sa basketball

LONDON--Inangkin ng United States ang kanilang pang-limang sunod na gold medal sa Olympic wo­men’s basketball.

Ito ay matapos ilampaso ng Americans ang France, 86-50, sa 2012 London Games.

“We know how hard we have to work to make it look easy,” sabi ni U.S. coach Geno Auriemma sa kanyang koponan na nagtala ng 8-0 record at may average victory margin na halos 34 points a game.

Umiskor si Candace Parker ng 21 points at humakot ng 11 rebounds para banderahan ang U.S.

Isang 9-0 atake ang inilunsad ng U.S. para ilista ang isang 12-point halftime lead patungo sa pagtatala ng isang 30-point advantage sa third quarter.

Nakamit naman ng Fran­ce, naglaro sa kanilang unang women’s Olympic basketball final, ang silver, habang pinitas ng Australia ang bronze sa kanilang 83-74 panalo laban sa Russia.

Show comments