^

PSN Palaro

Alkhaldi tuloy ang paglangoy para sa Pinas

- The Philippine Star

LONDON-- Sinabi ni swimmer Jasmine Alkhaldi na ipagpapatuloy niya ang pagsasanay para katawanin ang Pilipinas sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.

At umaasa rin siyang makakalangoy pa para sa bansa sa susunod na 10 taon.

“Ay, kuya, I’m only 19 years old,” natawang sabi ng University of Hawaii freshman tungkol sa Olympic athletes’ biography kung saan ipinakitang ipinanganak siya noong Hunyo 20, 1983.

“The International Olym­pic Committee (actually, the London organizing committee) committed a mistake. Everybody was tweeting me saying ‘you don’t look that old’. Then I told my coach ‘ayusin mo yan’ but the mistake remained uncorrected,” dagdag pa ng Filipina tanker.

“I am one of the youn­gest in my event (100m freestyle),” sabi ni Alkhaldi, isang swimming scholar sa University of Hawaii. “I still have four years so I still have time for Rio when I graduate. Hindi pa naman ako 29, ha!”

Kagaya ng 18-anyos niyang kababayang si Jessie Khing Lacuna, hindi nakapasok si Alkhaldi sa semifinals ng kanyang event.

Ngunit ang kanyang oras na 57.13 segundo sa heats ang nagpaganda sa kanyang dating tiyempong 58.02 sa World Championships sa Shanghai noong 2011.

Umaasa si Alkhaldi, isang high school swimming scholar sa TRACE School sa Laguna, na makapaghahanda siya para sa 2016 Rio Olympics sa ilalim ng isang Hawaiian coach na naglagay sa kanya sa varsity team.

“Walang imposible,” sabi ng anak ng isang businesswoman na nagdala sa kanya sa swimming pool sa edad na 3-anyos. “I don’t give myself personal goals, all I’ll be doing is to keep improving my time again and again. Wala akong limit.”

ALKHALDI

FILIPINA

HUNYO

INTERNATIONAL OLYM

JASMINE ALKHALDI

JESSIE KHING LACUNA

RIO OLYMPICS

THEN I

UNIVERSITY OF HAWAII

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with