^

PSN Palaro

Closing ceremony ng London Olympics mas hitik sa sorpresa

- The Philippine Star

LONDON--Pilit na isinisikreto ng mga namamahala sa clo­sing ceremony ng London Olympics ang ipakikitang pagtatanghal sa Linggo.

May mga lumalabas na haka-haka na magtatanghal uli si Paul McCartney bukod pa kina Adele at tanyag na singer Kate Bush.

Ipapakita sa seremonya ang kasaysayan ng British pop kung paano ito nagsi­mula hanggang sa hina­ngaan sa kasalukuyan.

“It will be beautiful, cheeky, cheesy, camp, silly and thrilling,” wika ni David Arnold, composer ng limang James Bond theme songs, na siya ring kinuha bilang musical director sa seremonya.

“We’re trying to have moments where someone from (rural west England region) the Cotsworlds wat­ching it on TV and someone from the tower block overlooking the East End will be able to find something in it of which they can say, ‘that’s us, really, that’s Britain,” wika ni Arnold sa panayam ng Daily Telegraph.

Si Roger Daltrey ng The Who ay nagsabi na nag-record na ang kanilang banda ng isang awit na patutugtugin sa closing ceremony.

Kahit si George Michael, ang 1980 pop icon, nagsabi sa kanyang twitter na siya ay nagsasanay para sa kanyang gagawin sa sere­monya.

Anuman ang inihahandang pagtatanghal, tiyak na masisiyahan ang mga manonood tulad ng nangyari sa makulay at bonggang opening ceremony dalawa’t-kalahating linggo na ang nakalipas.

ADELE

ANUMAN

DAILY TELEGRAPH

DAVID ARNOLD

EAST END

GEORGE MICHAEL

JAMES BOND

KATE BUSH

LONDON OLYMPICS

SI ROGER DALTREY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with