^

PSN Palaro

Floyd tiwalang matutuloy na ang laban kay Pacman

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos makalabas ng Clark County Detention Center noong Agosto 3, muling nasilayan ng publiko si American five-division titlist Floyd Mayweather, Jr.

Dumalo ang 35-anyos na si Mayweather sa VIP screening ng pelikulang ‘Freelancers’, ang crime-drama film na tinatampukan nina Robert De Niro, Forest Whitaker at rapper/promoter 50 Cent (Curtis Jackson).

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Mayweather (43-0-0, 26 KOs) na inaasahan niyang maitatakda ang kanilang mega fight ni Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) sa pamamagitan ng TMT (The Money Team) Promotions na itinayo nila ng kanyang kaibigang si 50 Cent.

“When that day pre­sents itself, I’ll go out there and do what I have to do,” sabi ni Mayweather sa kanyang laban sa 33-anyos na Filipino world eight-division titlist na si Pacquiao.

Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather showdown dahil sa mga isyu sa hatian sa prize purse at pagsailalim sa isang Olympic-style random blood at urine testing.

Dahil sa pagbagsak sa pag-uusap, hinarap ni Mayweather si Miguel Cotto noong Mayo 5, samanta­lang kinalaban naman ni Pac­quiao si Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9.

Hinubad ni Maywea­ther kay Cotto ang suot nitong World Boxing Association light middleweight title via unanimous decision at inagawan ni Bradley si Pacquiao ng hawak nitong World Boxing Organization welterweight crown mula sa isang kontrobersyal na split decision win.

Naniniwala si Bob Arum, dumating sa bansa noong Miyerkules, ng Top Rank Promotions na mapaplan­tsa ang naturang Pacquiao-Mayweather mega fight sa 2013.

BOB ARUM

CLARK COUNTY DETENTION CENTER

CURTIS JACKSON

FLOYD MAYWEATHER

FOREST WHITAKER

MAYWEATHER

MIGUEL COTTO

MONEY TEAM

PACQUIAO

PACQUIAO-MAYWEATHER

ROBERT DE NIRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with