Pacquiao wala pa ring desisyon

MANILA, Philippines - Nakipagpulong kahapon si Manny Pacquiao sa kanyang chief promoter na si Bob Arum sa General Santos City ngunit wala pang desisyon kung sino ang susunod na makakalaban ng Filipino boxing icon.

 “We had a very good discussion,” wika ng chief adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz na dumalo sa naturang pulong na nagtagal ng halos dalawang oras.

“But we have not made any decision,” dagdag pa niya.

 Walang ibinunyag na detalye si Koncz kaugnay sa napag-usapan nina Pacquiao at Arum at pilit din nila itong itatago sa media.

Dumating sa bansa si Arum mula sa Los Angeles noong Miyerkules ng umaga kung kailan naman nakaalis ang ‘fighting congressman’ ng Sarangani patungo sa Gen/San City.

Sumakay si Arum ng private plane na pag-aari ni Chavit Singson papunta kay Pacquiao kahapon ng umaga at inaasahang magbabalik sa Maynila kagabi.

Sinabi ni Koncz na nag­latag si Arum ng tatlong pa­ngalan kay Pacquiao para sa posibleng labanan nito sa Nobyembre 10.

“The same three people,” wika ng Canadian ring adviser kina Timothy Bradley, Juan Manuel Marquez at Miguel Cotto.

Show comments