^

PSN Palaro

Ginobili, Scola aminadong 'di kakayanin ng Argentina ang Team USA

- The Philippine Star

LONDON--Sa pagsagupa ng Americans sa Argentina ngayon sa Olympic Games semifinals, hindi sila naghahanda para sa koponang kanilang inatake sa third quarter noong Lunes.

Ipaparada ng Argentina ang kanilang mga be­terano.

At ito ang tropang inaasahan ng U.S. players na kanilang makakaharap sa North Greenwich Arena.

“We already know what to expect as far as the intensity of this game tomorrow night. They’re going to bring it,” sabi ni U.S. forward Carmelo Anthony.

“We know what to expect from ourselves, we know what we’ve got to do, we know what’s at stake and tomorrow is one of biggest games that we’ve ever played,” dagdag pa nito. “Tomorrow is just about who wants it the most.”

Ito ang pangatlong pagkakataon na maghaharap ang US at ang Argentina sa semifinals ng Olympic Games.

Tinalo ng Argentina ang U.S. noong 2004 patungo sa gold medal, dalawang taon matapos hirangin ang Argentines na unang koponang tumalo sa Americans sa world basketball championship.

Nagkampeon naman ang Americans noong 2008 sa Beijing kung saan nila binigo ang Argentines.

Noong Lunes, umiskor ang Americans ng 42 points sa thirds quarter, 17 dito ay mula kay Kevin Durant, kumpara sa 17 mar­kers ng Argentina patungo sa kanilang 126-97panalo.

Inamin nina Manu Ginobili at Luis Scola na hindi kakayanin ng Argentina ang US.

ARGENTINA

BEIJING

CARMELO ANTHONY

INAMIN

KEVIN DURANT

LUIS SCOLA

MANU GINOBILI

NOONG LUNES

NORTH GREENWICH ARENA

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with