LONDON--Muling uuwing luhaan ang Team Philippines mula sa 30th Olympic Games.
May ilang araw pang kompetisyon ang natitira bago magwakas ang 2012 Olympic Games sa Linggo subalit wala na ring gagawin ang 11-member Phl squad kundi ang damhin ang kagandahan ng London.
Kagaya ni boxer Mark Anthony Barriga, naglaro ang Filipino-American rider na si Danny Caluag na may dalang pag-asa na siya sanang tatapos sa nakapanlulumong kampanya ng bansa sa Sydney, Athens at Beijing Games.
Nagtapos sa pang huli si Caluag sa kanyang grupo sa quarterfinal round at nabigong makaabante sa semifinals para sa kanyang unang Olympics stint.
“It’s heart-breaking to see our athletes lose, but it’s heart-warming to see them competing proudly as a Filipino and giving their best in the Olympics,’’ sabi ni Team Philippines chief of mission Manny Lopez, ang first vice-president ding ng Philippine Olympic Committee.
“There are lessons learned, which I know will serve them well when they compete again for the country in other internatio-nal tournaments like the coming Southeast Asian Games and Asian Games,’’ dagdag pa nito.
Kumpara kina Barriga at Caluag, hindi binigyan ng tsansang makakuha ng medalya sa kanilang mga events sina swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Lacuna, archers Mark Javier at Rachelle Cabral, shooter Brian Rosario, long jumper Marestella Torres at 5,000-meter bet Rene Herrera, weighlifter Hidilyn Diaz at judoka Tomohiko Hoshina dahil sa bigat ng kompetisyon
Si Barriga lamang ang bumuhay sa pag-asa ng mga Pinoy nang talunin si Manuel Cappai ng Italy, 17-7, sa light flyweight division.