^

PSN Palaro

Olivarez netfest papalo ngayon

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tagisan sa junior net­ters ang maghuhudyat sa pagsisimula ng dalawang linggong Olivarez-Philta Open Tennis Championships ngayon sa Olivarez Sports Center sa Sucat, Parañaque.

Ang top seed na si Jerome Olivarez ay ma­kikipag­sukatan kay Santino Vistan na isa sa mga tampok na laro sa kompetis­yong handog ng Palawan Pawnshop at Express Pera Padala.

Ang iba pang labanan ay sa pagitan nina third seed Arthur Pantino at Am­brose Besas, 6th seed Jacob Martin laban kay Miguel Cerrado, Chris Prulla laban kay Rodel Velarde, Mar Raphael Teng laban kay Tim Gumban at Marcus del Rosario laban kay Ai Burahan sa boy’s 14-under.

Si Cenon Gonzales Jr. na number two seed ay makikipagsukatan kay Stephan Lhuillier sa Linggo.

Sa girls 16-under, ang top seed na si Roxanne Resma ay makikipagtagi­san kay Janna Hernandez, ang second seed Rachelle de Guzman laban kay Andie Villarosa, sixth seed Jzash Canja laban kay Frances Santiago at no. 8 Khim Iglupas laban kay Monica Cruz.

Ang tampok na bakba­kan ay gagawin sa Agosto 14 sa pagsalang ng mga bigating tenista ng bansa sa men’s at women’s division.

Mangunguna sa kala­la­kihan si Jeson Patrombon na haharapin ang mga tinitingala ring sina Francis Casey Alcantara, Marc Reyes, Johnny Arcilla at Pablo Olivarez.

Sina Charice Patrimonio, Jasmin Tan Ho, Maika Tanpoco at Resma naman ang mga mangunguna sa women’s division sa pa­larong may basbas din ng Philippine Tennis Association (Philta).  

AI BURAHAN

ANDIE VILLAROSA

CHRIS PRULLA

EXPRESS PERA PADALA

FRANCES SANTIAGO

FRANCIS CASEY ALCANTARA

JACOB MARTIN

JANNA HERNANDEZ

KAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with