50 Cent tiwalang mapa-plantsa ang Pacquiao-M'weather fight
MANILA, Philippines - Naniniwala si rapper/promoter 50 Cent (Curtis Jackson) na kaya niyang plantsahin ang mega fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni 50 Cent, itinayo ang TMT (The Money Team) Promotions kasama si Mayweather, na siya ang magiging tulay para maitakda ang naturang suntukan ng dalawang ‘best pound-for-pound boxer’.
“I believe I can make it happen. I believe that I’m a big reason why the possibility is coming closer,” sabi ni 50 Cent. “We are in communication, so hopefully we can get the show going.”
Habang nakakulong ang American world five-division champion na si Mayweather, naunang nakipagtambalan sa Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, ay inilunsad ni 50 Cent ang TMT promotions.
Tatlong beses nabalam ang negosasyon para sa salpukan nina Pacquiao at Mayweather dahil sa ilang mga isyu kaugnay sa hatian sa prize purse at ang pagsailalim sa isang Olympic-style drug at blood testing.
Kumpiyansa rin si Bob Arum ng Top Rank Promotions na matutuloy ang naturang Pacquiao-Mayweather showdown sa susunod na taon.
Kasalukuyang nasa bansa si Arum para makipagpulong sa Filipino world eight-division champion kaugnay sa gusto nitong labanan sa Nobyembre 10.
Ang laban ni Pacquiao kay Mayweather (43-0-0, 26 KOs), nakalabas ng Clark County Detention Center noong Agosto 3, ay maaaring mangyari sa 2013.
- Latest
- Trending