MANILA, Philippines - Pumanaw na si basketball tournament organizer Jose Ma. Vicente ‘Joey’ Gana Lim IV dahil sa atake sa puso noong Linggo.
Ang nakatatandang kapatid ni dating Philippine Sports Commission Lady Commissioner at badminton star Amparo ‘Weena’ Lim ay 51-anyos.
Nakatakda ang burol bukas at sa Sabado sa Mt. Carmel Church, New Manila.
Si Joey ay naging opisyal ng Philippine Basketball League noong 1990’s hanggang 2010 at sa nakaraang limang taon mula noong 2007, siya ay naging abala sa pamamahala sa Fr. Martin Cup, isang preseason tournament para sa mga varsity teams sa collegiate, women at high school levels.