^

PSN Palaro

Casimero handang dumayo para magdepensa ng titulo

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kahit saang lugar ay handang lumaban si Filipino world light flyweight champion Johnriel Ca­simero.

Ito ang pahayag ng 22-anyos na si Ca­si­mero sa kanyang pagdating kahapon sa Ni­noy Aquino International Airport (NAIA) mu­la sa Los Angeles, California.

“Kahit saan, kung sino ang may gusto na kalabanin ako,” sabi ng tubong Ormoc City, Leyte.

Matagumpay na naipagtanggol ni Ca­si­mero ang kanyang suot na International Bo­xing Federation light flyweight crown la­ban kay Mexican challenger Pedro Gue­vara noong Linggo sa Centro de Con­ven­ciones sa Mazatlán, Si­naloa, México.

Binigo ni Casimero si Guevara via split decision para patuloy na isuot ang na­turang IBF title pabalik ng bansa.

“Happy ako kasi nanalo ako. Happy din ako kasi maraming sumuporta din,” wi­ka ni Casimero.

Ikinumpara rin ni Casimero ang kanyang eksperyensa sa Argentina noong Peb­rero.

“Mabait ang mga tao sa Mexico, ma­runong naman silang tumanggap ng pagkatalo,” sabi ni Casimero sa mga Me­xicans.

Sa kanyang panalo kay Luis Lazarte no­ong Pebrero sa Argentina, sinugod ng mga galit na Argentinian fans ang kampo ni Casimero.

Nakamit ni Casimero ang IBF interim light flyweight title sa kanyang panalo laban kay Lazarte.

Bitbit ngayon ni Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record ka­sama ang 10 KOs.

Maliban kay Casimero, ang iba pang Pi­noy na naghari sa light flyweight division ay sina Dodie Boy Peñalosa (IBF 1983), Ta­cy Macalos (IBF 1988-89), Rolando Pas­cua (WBC 1990-91), Rodel Mayol (WBC 2009-2010), Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria (WBC 2006 at IBF 2009) at Don­nie ‘Ahas’ Nietes (WBO 2011-2012).

AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

CASIMERO

DODIE BOY PE

HAWAIIAN PUNCH

INTERNATIONAL BO

JOHNRIEL CA

KAHIT

LOS ANGELES

LUIS LAZARTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with