LONDON - Nakamit ni Usain Bolt ng Jamaica ang kanyang layunin na maging isang sporting legend matapos magtala ng bilis na 9.63 segundo sa men’s100 meters at maging kauna-unahang atleta na nanalo ng back-to-back Olympic titles sa track and field event.
Sumegunda naman sa kanya ang kababayang si world champion Yohan Blake (9.75 segund) para sa silver medal kasunod si 2004 Olympic champion Justin Gatlin (9.79 segundo) ng United States para sa bronze medal.
Nauna nang sinabi ni Bolt na gusto niyang maging back-to-back winner para mapabilang sa mga sporting legends. At kasama niya ngayon si Carl Lewis .