^

PSN Palaro

Isa sa tatlong Filipino athletes na lalaban pa Torres hindi magpapaiwan

- The Philippine Star

LONDON — Nasa ma­gandang kondisyon at naka­tuon sa kanyang na­lalapit na laban.

Ito si long jumper Ma­res­tella Torres noong Lu­nes ng ha­pon nang pinano­od ang mga laro sa track and field event ng 30th Olympic Games sa telebis­yon sa Athletes Vil­lage ka­sama sina shooter Brian Ro­sario at swimmer Jas­mine Alkhaldi.

“Nag-train ako ng matagal. Alam kong maganda ang maipapakita ko,’’ sabi ni Torres bago ang kanyang la­ban. “Sa totoo lang, na­pakabigat ng laban. Pero ti­yak na ibibigay ko ang la­hat ng makakaya ko.”

Sasabak ang 31-anyos na si Torres sa women’s long jump ngayong alas-7 ng gabi (Miyerkules ng alas-2 ng hapon sa May­nila) kung saan pipilitin ni­yang lampasan ang kanyang personal best na hindi ni­ya nagawa noong 2008 Bei­jing Olympics.

Sa Beijing Games, nag­ta­pos si Torres bilang pang 34 sa kabuuang 38 lahok mu­la sa kanyang lundag na 6.17 meters.

Ang qualifying jump pa­ra makapasok sa finals ay 6.70 meters na hindi pa na­kukuha ni Torres sapul nang mag­tala ng 6.71m sa 2011 Southeast Asian Ga­mes sa In­donesia.

Samantala, handa naman si BMX rider Danny Ca­luag na harapin ang ma­la­king hamon sa kanyang event.

 “It’s an honor and I’m very aware of that challenge. All my teammates including the two in track and field who are still competing are very supportive of me. I appreciate it,’’ sabi ni Caluag, sasabak sa aksyon sa Agosto 8.

Kabilang sa mga maka­ka­harap ng 25-anyos na si Caluag sa kanyang event ay si­na No. 1 Sam Willoughby ng Australia, No. 2 Connor Fiel­des ng United States at de­fending champion Maris Strom­bergs ng Latvia.

ATHLETES VIL

BRIAN RO

CALUAG

CONNOR FIEL

DANNY CA

MARIS STROM

OLYMPIC GAMES

SA BEIJING GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with