Sasabak sa 2012 World Chess Olympiad GM Gonzales kumpiyansa sa tsansa ng Team Phl

MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng mas ma­gandang samahan sa hanay ng mga chess pla­yers na ipadadala sa World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey ang nagbibigay tiwala kay coach GM Jayson Gonzales na may kahihinatnan ang paglahok ng Pilipinas sa kompetisyon na itinakda mula Agosto 27 hanggang Setyembre 12.

“I expect this team to perform better compared to our last participation. This is not the strongest team we have formed but in terms of camaraderie among the pla­­yers, this is the best,” wi­ka ni Gonzales sa SCOOP sa Ka­mayan sa Padre Fau­ra.

Tinukoy niya sina Super GM Wesley So, GM Mark Pa­­ragua, IM Oliver Dimaki­ling at Oliver Barbosa.

Idagdag pa GM Eugene Torre, nasa kan­yang ika-21 taon ng pag­lahok sa Olympiad, na na­kabuo ng solidong kopo­nan ang National Chess Fe­deration of the Philippi­nes (NCFP).

“Maganda itong kumbi­nasyon at sa dami ko nang si­­nalihang Chess Olympiad, may gut feel ako na ma­ganda ang kalalabasan ng pagsali namin,” sabi ni Torre.

Show comments