Perpetual magpapatatag sa ikalawang puwesto

MANILA, Philippines - Wakasan ang laro sa first round bitbit ang isa pang panalo ang nais na ga­win ng Perpetual Help sa pagharap sa Arell­­a­no sa 88th NCAA men’s basketball nga­yong hapon sa The Are­na sa San Juan City.

Bitbit ng Altas ang 6-2 kar­ta at may da­lawang di­kit na laro na haharap sa Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Galing ang tropa ni coach Aric Del Ro­sario mu­la sa isang come-from-be­hind 72-71 win laban sa Emi­lio Aguinaldo College no­ong Hulyo 28.

Si Jet Vidal, nagbangon sa koponan mu­la sa 14 pun­tos pagkakalubog sa hu­ling yugto laban sa Ge­ne­rals, ang aasahan muli ng Perpetual katulong sina Earl Thompson, George Allen, Harold Arboleda at mga im­ports Nosa Omorogbe at Ade­fe­mi Babayemi.

Show comments