Tinalo si Guevara via split decision Casimero nakalusot
MANILA, Philippines - Umiskor ng isang knockdown sa first round at naging agresibo sa kabuuan ng laban, napanatili ni Johnriel Casimero ang kanyang suot na International Boxing Federation light flyweight crown.
Umiskor si Casimero ng isang split decision win laban kay Mexican challenger Pedro Guevara sa Centro de Convenciones sa Mazatlán, Sinaloa, Mexico.
Ito ang unang title defense ng 22-anyos na tubong Ormoc City, Leyte sa kanyang hawak na IBF light flyweight belt, inalis ng IBF kay Mexican Ulises Solis matapos magkaroon ng injury.
Matapos mapabagsak si Guevara sa first round mula sa kanyang uppercut, mas lalo pang naging pursigido si Casimero na makuha ang atensyon nina judges Levi Martinez ng New Mexico, Dr. Ruben Garcia ng Texas at Matthew P. Podgorski ng Illinois.
Nagbigay sina Martinez at Podgorski ng 114-113 at 116-111 puntos kay Casimero, habang nakakuha si Guevara ng 114-113 kay Garcia.
May 17-2-0 win-loss-draw ring record ngayon si Casimero kasama ang 10 KOs kumpara sa 18-1-1 (3 KOs) card ni Guevara, ng 114-113.
Si Casimero ay naging IBF interim champion noong Pebrero nang talunin si Luis Lazarte sa Argentina via 10th-round TKO.
Sa naturang laban ay sinugod ng mga galit na Argentinian fans si Casimero at manager nitong si Sammy Gello-ani.
- Latest
- Trending