^

PSN Palaro

Julaton umiskor ng knockout kay Ramos

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinailangan lamang ni Ana “The Hurricane” Julaton ng 19 segundo sa first round upang tapusin ang kalabang si Abigail Ramos kahapon ng ginawa sa Polifuncional dela Colonia Francisco Villa Oriente, Kanasin, Yucatan, Mexico.

Ang 32-anyos na si Julaton na tinagurian din bilang ‘Yucatan Princess’ dahil ito na ang ikatlong laban sa nasabing lugar sa Mexico ay sinungkit ang ikatlong panalo laban sa pamalit na kalaban.

Si Magali Rodriguez ang dapat na nakalaban ni Ju­laton pero biglang nawala ito at humalili si Ramos na may 3-3 karta.

Ito ang ika-12 panalo at pangalawang KO sa 16 laban habang nalaglag sa 3-4 baraha si Ramos.

“I didn’t know what to expect tonight. I’m happy with the results but more happy that everyone came out of the ring safe,”wika ni Julaton sa panayam ng Examiner.com.

Naniniwala rin si Julaton na dating kampeon sa WBO at IBO super bantamweight division na sapat na ang kanyang ipinakita para bigyan na ng mas mabigat na laban sa sunod niyang akyat sa ring.

“I’m ready for whoever Allan (Tremblay) will put in front of me. I wished for a (Yesica Patricia) Marcos rematch and a (Jackie) Nava fight and I will always fight with all my heart no matther who is in the ring with me,” dagdag nito.

Si Marcos ang tumalo sa kanya sa pamamagitan ng unanimous decision noong Marso 16 para agawin kay Julaton ang dating hawak na WBO title habang si Nava ang reyna sa WBA division.

Masaya naman si Tremblay sa ipinakita ni Julaton at kasabay nito ay ang paniniwalang ganito rin ang resulta kung si Rodriguez pa ang nakalaban.  

ABIGAIL RAMOS

COLONIA FRANCISCO VILLA ORIENTE

JULATON

NAVA

RAMOS

SI MAGALI RODRIGUEZ

SI MARCOS

TREMBLAY

YESICA PATRICIA

YUCATAN PRINCESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with