LONDON--Nawalan ng suwerte si Mark Anthony Barriga nang matapos ang laban para sa London Olympic matapos matalo kay Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan sa dikitang 17-16 iskor round sa London Olympics.
Hindi nagawang masustina ni Barriga ang hinawakang lamang sa second round, matapos patawan ng dalawang point deduction sa third round ang naging mitsa ng pagkakatalsik ng Pinoy sa kontensyon.
Matapos maungusan sa first round ni Zhakypov, 5-4, bumangon naman ang 19-anyos na si Barriga sa second round, 6-3, kung saan siya lumamang, 10-8.
Sa panalo ni Zhakypov, napadugo ni Barriga ang ilong sa kanilang mga sparring sessions bago ang nakaraang World Champiosnhips, makakalaban niya sa quarterfinal round si Olympic gold medalist Shiming Zhou ng China.
Tinalo ni Zhou si Barriga sa World Champiosnhips.
Ang pagkatalo ni Barriga ay nag-iwan na lamang kina long jumper Marestella Torres, 5000-meter bet Rene Herrera at BMX rider Danny Caluag ang kampanya ng bansa sa quadrennial meet.
“Go, go Barriga, Go, go Barriga,” ang hiyawan ng mga Filipino fans na sumaksi sa laban upang magbigay ng suporta.
Ngunit walang nagawa ang malakas na sigaw ng mga fans kung saan sinimulan na ni Zhakypov na atakihin si Barriga, tampok ang kang kumbinasyong ang nagpahina sa Filipino kasabay ng pagkaubos ng oras.