^

PSN Palaro

Julaton puntirya ang 3rd win sa Mexico

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aasintahin ni dating women’s WBO at IBO su­per bantamweight champion Ana Julaton ang ikatlong panalo sa Yucatan, Mexico sa pagbangga kay Abigail “Pinguita” Ramos ngayong araw.

Tinalo na ng 32-anyos na si Julaton sina Jessica Villafranca at Yolanda Segura sa kanyang unang da­lawang laban sa Yuca­tan upang bigyan ng taguri bilang “The Yucatan Princess”.

May 11 panalo sa 15 laban, hanap ni Julaton na manalo kay Ramos para mabigyan uli ng pagkaka­taon na mapalaban sa world title.

Si Magali Rodriguez sana ang katapat ni Jula­ton sa labang ito pero big­lang ‘di na nagpakita ang inasintang katunggali upang kunin na lamang si Ramos na may 3-3 karta kasama ang 2 KO.

Walang kum­pi­yansa sa katawan naman si Julaton kahit di kilala ang kalaban at di kagandahan ang kanyang record.

“This is still a major fight for me. Ramos has nothing to lose and will bring it all and I have to be prepared accordingly,” wika ni Julaton.

Ang laban ay ma­papakinggan naman ng live sa Super Radyo DZBB 594khz sa ganap na alas-11:45 ng umaga habang ang ere sa GMA 7 ay gagawin sa Linggo mula alas-11 hanggang alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

AASINTAHIN

ANA JULATON

JESSICA VILLAFRANCA

JULATON

RAMOS

SHY

SI MAGALI RODRIGUEZ

SUPER RADYO

YOLANDA SEGURA

YUCATAN PRINCESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with