^

PSN Palaro

Heavy Bombers, Lions magkakasukatan ng lakas

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magkakasukatan ang Jose Rizal University at San Beda sa tagisan ng mga ko­ponang may magagandang record sa pagpapatuloy ng 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda dakong alas-6 ng gabi at ang mananalo ay mananatiling lider sa 10 koponang liga.

Mauunang magtatagisan ang St. Benilde at Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-4 ng ha­pon na parehong hanap ang panalong magpapainit uli sa nanlalamig na kampanya.

Mas maganda naman ang karta ng Blazers sa 3-5 baraha pero kaila­ngan nilang manalo upang ma­natiling nasa gitna sa team standings na magpapa­lakas pa sa laban para sa puwesto sa Final Four.

Sa kabilang banda, ang Generals ang nangu­ngulelat na koponan sa 1-7 baraha at may bitbit na pitong sunod na kabiguan.

Pero hindi maaaring biruin ang tropa ni coach Gerry Esplana dahil sa hu­ling tatlong laro ng koponan ay natalo lamang sila ng 1.7 puntos winning margin.

May 6-1 baraha ang Heavy Bombers para ma-kasalo ang pahingang San Sebastian ngunit malalag-lag sila sa nasabing puwesto kapag natalo sa Lions na may bitbit na 5-1 baraha.

Si Nate Matute ang kamador ng JRU sa kanyang 21.3 puntos average pero kailangang hindi mawala ang suporta ng ibang kasamahan tulad nina Byron Villarias at John Lopez na naghahatid ng 11 puntos kada laro.

 Sa kabilang banda, ang Lions ay huhugot ng lakas sa depensa kay Nigerian 6’8 center Olaide Adeogun na nagbibigay ng 8 puntos, 11.5 rebounds at 2.5 blocks matapos ang dalawang laro.

BYRON VILLARIAS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

HEAVY BOMBERS

JOHN LOPEZ

JOSE RIZAL UNIVERSITY

OLAIDE ADEOGUN

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with