^

PSN Palaro

Del Rosario, Valdez nanguna sa WC center finalists

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nanguna ang mga be­teranong internationalists na sina Liza del Rosario at Paulo Valdez sa una sa dalawang center finals sa 2012 World Cup National championships na idina­daos sa dalawang magkahiwalay na palaruan.

Si Del Rosario ay gu­ma­wa ng 2,035 matapos ang 10-game series upang makalamang kina Lovella Catalan (1,804), Eunice Wijangco (1,728) at Melshared Luzon (1,514) na ginagawa sa Paeng’s Midtown Bowl.

Sa kabilang banda, si Valdez na minsan naging Asian champion ay nag­pagulong ng 2,490 upang iwanan ang mga katunggali tulad nina Gerome Vergara (2,280), Eric Aranez (2,280) at Larry Leyes (2,091) sa Astrobowl.

Ang ikalawang quali­fying round ay gagawin sa 13 iba’t ibang centers para madetermina ang mga sa­­­sali sa ikalawang center finals.

Ang national finals ay gagawin mula Setyembre 15 at 16 sa Coronado Lanes, Setyembre 18 at 19 sa Paeng’s Midtaown at Setyembre 21 sa SM Bowling North Edsa.

Ang lalabas na kampeon sa kalalakihan at ka­babaihan ang kakatawan sa bansa sa 2012 World Cup international finals mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2 sa Sky Bowling Center sa Wroclaw, Poland.

Sina Biboy Rivera, na dating world champion, at Liza Clutario ang mga nagdala sa laban ng bansa sa huling edisyon na nilaro sa Johannesburg, South Africa.

BOWLING NORTH EDSA

CORONADO LANES

ERIC ARANEZ

EUNICE WIJANGCO

GEROME VERGARA

LARRY LEYES

LIZA CLUTARIO

LOVELLA CATALAN

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with