^

PSN Palaro

US Team iginupo ang Nigeria sa Olympic basketball

- The Philippine Star

LONDON-- Inilampaso ng US men’s Olympic basketball team ang Nigeria, 156-73, para sa kanilang 3-0 record tampok ang pagbasag ni Carmelo Anthony sa Olympic record sa pamamagitan ng kanyang 37 points.

Nagtala si Anthony ng 10-of-12 shooting sa 3-point range para tabunan ang 31 points ni Stephon Marbury noong 2004.

Tumapos ang Americans na may 29-of-46 clip sa 3-point line na nangi­babaw din sa 13 3-poin­ters ng isang US team sa kanilang gold-medal game noong 2008 Beijing Games.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 21 points para sa koponan na tumipa ng 11 3-pointers sa first quarter.

Umiskor si Ike Diogu ng 27 points para sa Nigeria.

Nang maisalpak ni Andre Iguodala ang isang 3-pointer sa 4:37, nabasag na ng Americans ang da­ting Olympic record na 138 points ng Brazil laban sa Egypt noong 1988 Olympics.

Humugot si Kobe Bryant ng 14 sa kanyang 16 points sa first quarter para sa Americans, sasagupain ang Lithuania bukas.

ANDRE IGUODALA

BEIJING GAMES

CARMELO ANTHONY

HUMUGOT

IKE DIOGU

INILAMPASO

KOBE BRYANT

NAGDAGDAG

RUSSELL WESTBROOK

STEPHON MARBURY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with