^

PSN Palaro

Hoshina madaling naitumba ng Koreano

- The Philippine Star

LONDON--Isa na namang atleta ng Team Philippines ang nakalasap ng kabiguan sa 30th Olympic Games.

Isang mabilis na pagkatalo ang natikman ni Filipino-Japanese judoka Tomohiko Hoshina laban kay South Korean Kim Sung-mi.

Nagkulang sa pagiging agresibo, yumukod ang 25-anyos na si Hoshina kay Sung-min sa pamamagitan ng ‘ippon’.

Hindi pinaporma ng Korean si Hoshina mula umpisa hanggang sa huli sa loob ng isang minuto at limang segundo ng six-minute heavyweight contest.

“He’s too good for me,’’ sambit ni Hoshina sa pamamagitan ng isang Olympic interpreter, sa pagkatalo niya na naglaglag sa kanya sa repechage kung saan ang pinakamataas na lamang niyang makakamit ay bronze medal.

Para makamit ang tansong medalya, kailangan ni Hoshina ng milagro para makakuha ng panalo sa dibis­yon na kinabibilangan din ni five-time world champion Teddy Riner ng France.

Nanalo si Riner, hangad ang kanyang unang Olympic gold medal, kontra kay Janusz Wojnarowics ng Poland.

FILIPINO-JAPANESE

HOSHINA

ISA

JANUSZ WOJNAROWICS

KIM SUNG

OLYMPIC GAMES

SOUTH KOREAN

TEAM PHILIPPINES

TEDDY RINER

TOMOHIKO HOSHINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with