Letran isinalba ni Alas sa panalo

MANILA, Philippines - Maski ang lagnat ay hindi puwedeng makapigil kay Kevin Alas para matulungan ang Knights.

Sa kabila ng mabigat na pakiramdam, humakot si Alas ng 16 points, 8 rebounds at 5 assists para tulungan ang Letran College sa 70-60 panalo laban sa Lyceum sa 88th NCAA mens’ basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

“Gusto talaga ng mga bata na mag-back-to-back-to-back wins,” sabi ni coach Louie Alas sa kanyang anak na si Kevin, Jam Cor­tes at Kevin Racal. “Si Kevin, naka-dextrose pa kanina. Sabi ng doctor, he can play sparingly, sabi ko do not play na lang pero gusto talaga ng bata na maglaro.”

Ito ang pangatlong sunod na ratsada ng Knights para iangat ang kanilang baraha sa 4-3, habang nahulog sa 2-7 ang kartada ng Pirates.

Nagdagdag si Cortes ng 14 points at boards, habang nag-ambag si Racal ng 7 markers at 8 rebounds para sa Intramuros-based cagers.

Tangan ang maikling 37-36 lamang sa first half, kumamada ang Letran sa third quarter, 58-47, at hindi na nilingon pa ang Lyceum.

 

Show comments