^

PSN Palaro

Pagulayan naka-2 titulo kay Archer

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa puntong tila nasa bulsa na ni Johnny Archer ang panalo, nag-iba ang ihip ng hangin at nakuha ni Alex Pagulayan ang mahalagang break upang hiranging kampeon sa 2012 Southern Classic 9-Ball Championship na pinag­labanan sa Accu-Stats Simonis Arena sa Harrah’s Casino at Hotel sa Unica, Mississippi, USA.

Ito ang ikalawang sunod na torneo na nagkasu­katan sa finals ang dalawang batikang cue-artist at nanaig na si Pagulayan kay Archer sa Diamond 10-Ball Challenge na pi­nag­labanan noong Biyer­nes ng gabi.

Naitakda ang ikala­wang tagisan sa Sou­thern Classic 9-Ball noong Sabado nang manalo si Pagulayan kay Shane Van Boening ng USA at si Archer ay nanaig kay Warren Kiamco ng Pilipinas sa semifinals.

Mainit ang panimula ni Pagulayan nang lumayo agad sa 6-1 sa race to se­ven match ngunit nabigyan ng pagkakataon si Archer na makatira at inagaw niya ang momentum upang manalo ng limang sunod na rack para maitabla ang laban sa 6-all.

Winner’s break ang labanan at sargo ni Archer ang mahalagang 13th rack. May pumasok sa kanyang sargo ngunit walang tira sa one-ball.

Sa pabandang tira ni Archer ay muntik na pumasok ang 9-ball kaya’t napasigaw si Pagulayan na huminto ang nasabing bola at kumalat ang iba tungo sa madaling run-out at panalo.

Apat na titulo ang pi­nag­labanan sa torneo at lumabas bilang pinakamahusay si Pagulayan nang mapagharian ang da­lawa, 10-ball at 9-ball, at pumangalawa sa Bank Pool division.

ACCU-STATS SIMONIS ARENA

ALEX PAGULAYAN

BALL

BALL CHALLENGE

BALL CHAMPIONSHIP

BANK POOL

JOHNNY ARCHER

PAGULAYAN

SHANE VAN BOENING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with