Phelps naungusan ang Russian gymnast sa paramihan ng gold sa Olympics

LONDON --Sa huling 10 metro ng kanyang history-making race, nag-iisa na lamang si Michael Phelps na nararapat lamang para sa isang Olympic icon na kinilalang ‘most decorated medal-winner of all time’.

Hawak ang anchor leg sa men’s 200-freestyle relay, tinulungan ni Phelps ang United States ng manalo ng gold medal – ang pang 15 sa kanyang career at ika-19 niyang beses na aakyat sa Olympic podium.

Nag-iisa siya ngayon sa overall medal count matapos ungusan si Russian gymnast Larissa Latynina bilang ‘most-decorated athlete’ sa kasaysayan ng Olympic Games.

Umentra si Phelps na may 17 medals, nakakuha ng silver sa 200-meter butterfly kasunod ang gold sa 4x200m.

Bago magsimula ang 4x200m race, niyakap ni Phelps ang kanyang mga kakampi sa huddle at pinasalamatan ang mga ito para sa kanilang kontribusyon.

Show comments